By Rommel Ramos
Mar 06, 2009
Mar 06, 2009
(Punto! Central Luzon)
MALOLOS CITY —Mas malawak na suporta ang inaasahang bubuhos sa kampanyang Save Biak-na-Bato matapos ang premier night ng pelikulang may kaparehong titulo.
Ang premier night ng pelikulang Biak-na-Bato na pinagbidahan ni Inez Veneracion ay isinagawa sa The Cabanas Cinema sa lungsod na ito noong Martes ng gabi.
Bilang pangunahing tauhan sa pelikula, ginampanan ni Veneracion ang papel ng isang environmentalist na ang ang asawa ay namatay sa minahan ng marmol sa Biak-na-Bato.
Ayon kay Paolo Buera, ang 27-anyos na direktor ng nasabing pelikula, ang shooting ng kabuuan ng pelikula ay isinagawa nila sa mga bayan ng San Miguel at Donya Remedios Trinidad sa lalawigan ng Bulacan noong nakaraang Setyembre.
“Its clearly a save Biak-na-Bato movie,” ani Buera na nagmula sa bayan ng San Miguel kung saan ay sinulat niya ang buong istorya o script ng pelikula dalawang taon na ang nakakaraan bilang tugon sa kampanya laban sa global warming.
Sinabi niya na ang pelikulang Biak-na-Bato ay hindi lamang nakatuon sa proteksyon ng kalikasang nasasakop ng national park, kundi maging sa kasaysayang naitala doon.
Batay sa kasaysayan, ang Biak-na-Bato ay pinagkutaan ng mga rebolusyunaryong Pilipino sa pamumuno ni Heneral Emilio Aguinaldo na lumaban sa mga Kastila bago matapos ang 1800.
Sa nasabi ring lugar nilagdaan nina Aguinaldo at mga opisyal na Kastila ang Pact-of Biak-na-Bato matapos mabuo ng mga rebolusyunaryo ang kauna-unahang Konstitusyon sa bansa.
“Hopefully, the movie will open the minds of people to protect, conserve, preserve and develop Biak-Na-Bato,” ani Buera na nagpahayag ng pagka-alarma sa walang habas na pagmimina ng marmol doon.
Gayundin ang sinabi ni Konsehal Gemma Sevilla Alcantara, ang nag-iisang halal na opisyal ng San Miguel na nakarating sa premier night.
“Nakakabahala na ang pagminina ng marmol sa Biak-na-Bato,” ani ng konsehal na nagsabi pa na iyon ay dating bahagi ng San Miguel bago itatag ang bayan ng Donya Remedios Trinidad noong dekada 70 na inukit sa mga bayan ng San Miguel, Angat at Norzagaray.
Ang premier night ay dinaluhan din ng mga residente ng San Miguel, mga opisyal at mag-aaral ng Bulacan State University (BulSU), kung saan ilan sa mga gumanap ay estudyante ng nasabing pamantasan tulad nina Kristine Nieto at Ralph Ellis Lopez.
Bukod sa dalawa, gumanap din sa nasabing pelikula ang mga Bulakenyong sina Austin Alcantara, Anton Gomez, at Alex Castro na isang konsehal ng bayan ng Marilao.
Ang pelikulang Biak-na-Bato ay ang unang pelikulang idinerihe ni Buera na nagpaplanong gumawa rin ng pelikula hinggil sa Palawan sa taong ito.
Bilang kasapi ng Greenpeace Foundation, sinabi ni Buera na naibigan niya ang tema ng pangangalaga sa kalikasan upang mabuksan ang kaisipan ng marami hinggil dito.
Nagpahayag din siya ng pag-asa na ang mga independent film na katulad ng Biak-na-Bato ay magiging katanggap-tanggap sa mga manonood.
DIREK PAOLO BUERA
ReplyDeleteon his views & comment about
RALPH ELLIS LOPEZ
Q: WHO IS RALPH ELLIS LOPEZ???
Direk Paolo answered:
"From HIYAS NG BULAKAN
Audition (BIAK NA BATO MOVIE)
To a more exciting journey
in Showbiz Industry..."
Then the director continue:
"This is the way I always describe
Ralph when someone ask me... 'Rapoh'
as his family & close friends usually
calls him, is one of the faces in this
industry that i guess will make it to
the top. With his very friendly aura
i've noticed during audition PLUS his
undeniably acting skills for sure
he will make a big name in this
industry... Basta lagi ko lang
paalala sa kanya na stay his feet on
the ground & be patient... Wag mainipin
at dadating din yun time na manyayari
ang lahat ng kanyang mga pangarap..."
Q: Your reasons in choosing him
to be one of your TALENT?
Direk Paolo replied:
"Ralph Ellis Lopez, got potential & X Factor
di basta nakikita yung X Factor sa panlabas basta there
is something in this boy that i was definitely sure during
day 1 (audition) that he really can make it kahit gaano pa
katindi yung competition... He is not just the usual talent...
I can say that, he got everything to be the next super star
that will mark Philippines Showbiz"
Q: Your last word with Ralph?
Direk Paolo said:
"Rapoh, I know you can make it... I believe in your talent...
But everything in this world takes time... You dont plant palay
today and expect a harvest the next day...
We really need to wait for the proper time for your STAR to shine...
Im proud of you because in this short period of time
you spent in this industry eh you start making names na..."
Q: Any advice with him? Up coming projects?
Direk Paolo answered:
"My advice??? Ahmmm... In this kind of industry,
you have to be MATAPANG! Literally, im telling you,
magpakatapang ka na harapin ang lahat...
Kakainin ka ng buong-buo ng industriyang ito kung MAHINA ka...
Just focus on your dreams, come what may...
Be professional sa lahat ng aspeto sa mundo ng showbiz...
Walang totoo dito tandaan mo yan... lahat, TRABAHO lang...
Talo ka pag gumamit ka ng emotions...
Dahil walang lugar ang emosyon sa ganitong trabaho...
Ang emosyon ay pinapakita lamang sa harap ng mga lente
ng camera pagsabi kong CUT! Tapos narin dapat ang emosyon
at balik sa realidad na TRABAHO lang ang lahat..."
"Up coming projects of Ralph is an inspiring movie entitled:
PALAWAN "In the Heart of Tagbanuas"
May niluluto din kame na isang youth oriented
travelogue program to be aired at TV5...
Then hopefully this year matapos me narin yung
shoot ng 'GANDUYAN' and 'ANIHAN' at yung isang
movie pa ni Ralph for this year, to be announce soon yung title..."
"Sana poh ay patuloy nyo parin suportahan ang mga pelikula
at mga proyekto ni RALPH ELLIS LOPEZ...
Lets us all follow his journey until he reached his dreams..."
DIREK PAOLO BUERA
http://angakingsiningproductions.blogspot.com